Sabado, Setyembre 25, 2021

Kuwarter 1 – Modyul 2 Manwal at Liham-Pangnegosyo


Baitang :  12                                          Markahan : Una

Panahong Igugugol  :  Unang 




Alamin       

 

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

 

1. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal

(CS_FTV11/12EP-Od-f-42)

May mga batayan sa pagsulat ng mga sulating teknikal-bokasyunal tulad ng Manwal at Liham-Pangnegosyo.Karaniwang ang nilalaman ng manwal ay komprehensibo dahil naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa. Samantalang ang liham-pangnegosyo ay kalimitang ginagamit sa korespondinsiya at pakikipagkalakalan.

Balikan

     Sa mga nakaraang aralin ay napag-aralan natin ang kahulugan, katangian, gamit, anyo at ang target na gagamit sa mga sulating teknikal-bokasyunal. Napabilang dito ang mga layuning, maunawaan ang kahalagahan ng bawat isa.

.         

 Tuklasin

 Alam mo ba na may iba’t ibang sulating teknikal-bokasyunal? Sinasabing ang pagsulat nito ay may layuning magbahagi ng impormasyon at manghikayat ng mambabasa. Ano kaya ang mga sulating ito? Sagutin ang ilustrasyon sa ibaba.

GAWAIN 1.

PANUTO: Magsaliksik tungkol sa iba’t ibang sulating teknikal-bokasyonal. Gamitin ang word network na nasa ibaba. Itala ang mga sanggunian sa pagsasaliksik.

 

.

Suriin


PAGSULAT NG MANWAL

Karaniwang naglalaman ang isang manwal ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura, at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito. Komprehensibo ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa. Kalimitang nakaayos nang pabalangkas ang mga nilalaman ng isang manwal na makikita sa talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika. Maaari din namang magtaglay ng mga larawan o di kaya’y tsart ang isang manwal upang maging higit na maliwanag ang paglalahad ng mga impormasyon, gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng pangangailangan. Dagdag pa rito, maaari ding magtaglay ng apendise o indeks ang mga manwal.

Samantala, sa gitna ng makabagong teknolohiya ay hindi naman dapat isantabi ang kaalaman sa pagsulat ng liham. Isa sa mga uri nito ay ang lihampangnegosyo na kalimitang ginagamit sa korespondensiya at pakikipagkalakalan. Katulad ng iba pang uri ng liham, tinataglay rin nito ang mga bahagi gaya ng ulongsulat, petsa, patunguhan, bating pambungad, katawan ng liham, bating pangwakas, at lagda. Nakatuon ang liham-pangnegosyo sa mga transaksiyon sa pangangalakal katulad ng pagkambas ng halaga ng mga produkto o kaya’y liham ng kahilingan at liham pag-uulat. Pormal ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham. Maaari ding magtaglay ng kalakip ang mga nasabing halimbawa.

KAHULUGAN…

1.       Ang manwal ay isang libro ng impormasyon o mga tuntunin.

2.    Sa pagsulat ng manwal, mahalagang panatilihin ang pagiging tiyak sa kung para kanino ang manwal, kung sino-sino ang mga gagamit nito.

Mahalaga ring panatilihin ang pagiging payak, maiksi, at tiyak ng pagkakabuo ng mga ilalagay sa manwal upang maiwasan ang kalituhan ng mga mambabasa.

4     Mahalagang bigyang halaga ang nilalaman ng manwal, kung ano ang pangunahing paksang tinatalakay nito.

 

5.      Kalimitang binubuo ang manwal ng pamagat nito na siyang maglilinaw kung tungkol saan ang manwal. Mayroon din itong talaan ng nilalaman kung saan nakalahad ang mga nilalaman ng manwal. Kadalasang nagtataglay rin ito ng panimula upang maipaliwanag nang maayos ang nilalaman ng manwal. Karaniwan ding makikita sa huling bahagi ng mga manwal ang apendise na naglalaman ng mga susing salita o karagdagdang impormasyon tungkol sa nilalaman nito sakaling nais balikan ng mambabasa.

 

6.   Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng manwal at maaaring kakitaan ng mga salitang teknikal na kinakailangan sa isang partikular na  trabaho.

7   Sinasabing sa pagsulat ng manwal, nakapokus ito sa mambabasa. Kinakailangang matiyak na madaling nauunawaan ng mga mambabasa ang mga inilalahad sa isang manwal upang maiwasan ang kalituhan at kamalian sa pagsunod sa mga nakasaad dito.

 

URI NG MANWAL:

|  User Manual na kilala rin bilang instruction manual, user guide o owner’s manual na isang manwal sa paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t ibang produktong binibili o binubuo bago gamitin. Ilang halimbawa ng mga produktong ito ay mga gamit sa bahay tulad ng mga appliances, kasangkapan, mga gadget at iba pang elektronikong equipment na nangangailangan ng paggabay para sa mga gagamit ng mga iyon.  Maaaring tingnan ang halimbawa sa bibliyograpiya ng reader tungkol sa Gabay sa paggamit ng Nokia 2310 para sa isang halimbawa ng user manual.

|  Employees’ Manual o Handbook o ang mga itinakda para sa mga empleyado ng isang kompanya upang makapaglahad ng mga kalakaran, alituntunin at iba pang prosesong mahalaga sa kompanya. Nagsisilbi itong gabay sa mga empleyado nang sa gayon ay magkaroon sila ng mga kaalaman hinggil sa mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng kompanyang pinapasukan. Ilang halimbawa nito ay ang mga ipinabasa sa klase gayundin ang katulad ng faculty manual o students’ manual.

 

MGA BAHAGI NG MANWAL  

1.   Pamagat- nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng manwal.

2.    Talaan ng nilalaman- nakasaad dito ang pagkakahati-hati ng mga paksa sa loob ng manwal at ang pahina kung saan ito tinatalakay.

3.    Pambungad- naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal gayundin ng mensahe o pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman nito mula sa may-akda o sa isang taong may kaugnayan sa kompanyang nagmamay-ari ng manwal.

4. Nilalaman- tumatalakay sa katawan ng manwal sa mismong pagpapaliwanang ng mga gabay, pamamaraan at/o alituntunin .

5.      Apendise- matatagpuan dito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal katulad ng mga impormasyon sa pagkontak, mga tala atbp.

 

PAGSULAT NG LIHAM-PANGNEGOSYO

          Ang liham pangnegosyo ay isang uri ng liham na pormal, maikli, tiyak at malinaw na ipinapadala sa isang tanggapan o bahay-kalakal. Isinasad dito ang paksang panghanapbuhay.(brainly.ph)

          Sinasabing may pormat na sinusunod ang paggawa. May tiyak na mga impormasyong inilalagay sa bawat bahagi. Nakabatay ang nilalaman sa kung anong uri ng liham ito. Kalimitang sumusulat ng liham pangnegosyo upang magkaroon ng tiyak at malinaw na korespondensiya sa pagitan ng nagpadala at tumanggap ng liham.


PAKATANDAAN!

1     Ang liham o sulat ay nagtataglay ng mga impormasyon para sa patutunguhan. Isinusulat ito ng isang indibidwal na may nais iparating sa pagpapadalhan ng liham.

2     Nag-iiba-iba ang paraan ng pagkakasulat ng liham batay sa kung ano ang layunin nito kung kaya’t maraming iba’t ibang uri ng liham. Isa na rito ang liham pangnegosyo.

3      Sa pagsulat ng lihampangnegosyo, mahalagang tiyakin kung ano ang layunin ng liham. Maaari itong maging isang liham kahilingan, liham paguulat, liham pagkambas, subskripsiyon, pagaaplay, pagtatanong, atbp.

4      Mahalagang bigyanghalaga ang nilalaman ng liham-pangnegosyo at ang iba’t ibang bahagi nito.

5      Kalimitang binubuo ang liham-pangnegosyo ng ulong-sulat na siyang nagtataglay ng ahensiya o institusyong pagmumulan ng liham;  petsa kung kailan isinulat ang liham;  patunguhan o kung kanino ipadadala ang liham;  bating pambungad para sa pagbibigyan ng liham; katawan ng liham na siyang naglalaman ng pinakapunto ng liham; bating pangwakas para sa padadalhan ng liham; at lagda ng nagsulat ng liham.

6      Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng liham-pangnegosyo at maaaring kakitaan ng mga salitang teknikal na kinakailangan sa isang partikular na  trabaho.

BAHAGI NG ISANG LIHAM PANGNEGOSYO

1      Ulong-sulat- matatagpuan dito ang pangalan, lokasyon at impormasyon sa pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng liham; kalimitan itong nagtataglay ng logo ng nasabing kompanya o institusyon.

2      Petsa- nagsasaad kung kailan isinulat ang liham.

3     Patunguhan- inilalagay rito ang pangalan at katungkulan ng taong ibig pagbigyan ng liham; kung sino ang pangunahing ibig patunguhan nito.

4      Bating Pambungad- maiksing pagbati sa patutunguhan ng liham

5      Katawan ng Liham- nagtataglay ng mismong nilalaman ng liham

6      Bating Pangwakas- maiksing pagbati bago wakasan ang liham

7      Lagda- pangalan o mismong lagda ng nagpadala ng liham

 

Lagom

 

MANWAL

Karaniwang naglalaman ang isang manwal ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura, at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito. Komprehensibo ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa. Kalimitang nakaayos nang pabalangkas ang mga nilalaman ng isang manwal na makikita sa talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika. Maaari din namang magtaglay ng mga larawan o di kaya’y tsart ang isang manwal upang maging higit na maliwanag ang paglalahad ng mga impormasyon, gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng pangangailangan.

 

MGA BAHAGI NG MANWAL  

1     Pamagat- nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng manwal.

2     Talaan ng nilalaman- nakasaad dito ang pagkakahati-hati ng mga paksa sa loob ng manwal at ang pahina kung saan ito tinatalakay.

3     Pambungad- naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal gayundin ng mensahe o pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman nito mula sa may-akda o sa isang taong may kaugnayan sa kompanyang nagmamay-ari ng manwal.

Nilalaman- tumatalakay sa katawan ng manwal sa mismong pagpapaliwanang ng mga gabay, pamamaraan at/o alituntunin .

5      Apendise- matatagpuan dito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal katulad ng mga impormasyon sa pagkontak, mga tala atbp.

  

PAGSULAT NG LIHAM-PANGNEGOSYO

          Ang liham pangnegosyo ay isang uri ng liham na pormal, maikli, tiyak at malinaw na ipinapadala sa isang tanggapan o bahay-kalakal. Isinasad dito ang paksang panghanapbuhay.(brainly.ph)

BAHAGI NG ISANG LIHAM PANGNEGOSYO

1     Ulong-sulat- matatagpuan dito ang pangalan, lokasyon at impormasyon sa pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng liham; kalimitan itong nagtataglay ng logo ng nasabing kompanya o institusyon.

2      Petsa- nagsasaad kung kailan isinulat ang liham.

3      Patunguhan- inilalagay rito ang pangalan at katungkulan ng taong ibig pagbigyan ng liham; kung sino ang pangunahing ibig patunguhan nito.

4      Bating Pambungad- maiksing pagbati sa patutunguhan ng liham

5      Katawan ng Liham- nagtataglay ng mismong nilalaman ng liham

6      Bating Pangwakas- maiksing pagbati bago wakasan ang liham

7      Lagda- pangalan o mismong lagda ng nagpadala ng liham

 

Pagyamanin

 

GAWAIN 2.

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. (5 puntos bawat bilang)

1. Ano ang karaniwang nilalaman ng 3manwal at liham pangnegosyo?

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Saan kadalasang ginagamit ang manwal at liham pangnegosyo?

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

 

 

3. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit gumagamit ng manwal ang isang indibidwal?

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit sumusulat ng liham pangnegosyo ang isang indibidwal?

 

Isaisip

 

GAWAIN 3.

PANUTO: Punan ang patlang sa bawat bilang ng pinakaangkop na salita upang mabuo ang pangungusap nito.(2 puntos bawat bilang)

1. Ang _______________ay isang libro ng impormasyon o mga tuntunin.

2. _________________ang paggamit ng wika sa mga manwal at liham pangnegosyo.

3. Sa __________________na bahagi ng liham matatagpuan ang pangalan, lokasyon impormasyon sa pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng liham.

4. Ang___________________ay nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng manwal.

5. Ang liham pangnegosyo ay isang uri ng liham na pormal, maikli, tiyak at__________ na ipinapadala sa isang tanggapan o bahay-kalakal.

 

 

GAWAIN 4.

Panuto: Gamit ang concept map, ibigay ang mga bahagi ng Manwal at Liham Pangnegosyo. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat isa.



Pagpapaliwanag:

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________

 

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.






Tayahin

Pangwakas na Pagtataya


I. TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi. (2 puntos bawat isa)

1. Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon ang isang manwal.

2. Nagsasaad ng panuntunan, kalakaran, at proseso ang isang manwal.

3. Hindi kailangan ng talaan ng nilalaman sa isang manwal.

4. Kadalasang pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng manwal.

5. Nagsisilbing gabay sa mga mambabasa ang isang manwal.

6. Tinatawag na kalatas o sulat ang liham.

7. Isa sa mga uri ng liham ang liham-pangnegosyo.

 8. Hindi maaaring maglagay ng kalakip kung susulat ng liham.

9. Iisa lamang ang pormat na ginagamit sa pagsulat ng liham.

10. Hindi mahalaga ang paglalagay ng petsa kung susulat ng liham-pangnegosyo.

 II. IDENTIPIKASYON. Punan ang patlang upang maibigay ang hinihingi sa bawat pahayag. (2 puntos bawat isa)

1. Tinatawag na ____________ ang isang uri ng babasahing naglalahad ng iba’t ibang impormasyon katulad ng mga alituntunin, paraan ng paggamit, proseso, at iba pang detalye hinggil sa isang paksa na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa.

2. Sa pamamagitan ng ________________, nabibigyang-ideya ang mga mambabasa ng inisyal na pagtingin sa kabuuang nilalaman ng isang manwal.

3. Hindi nalalayo sa isang manwal ang isang _______________. Isang halimbawa nito ang hinggil sa mga benepisyo ng mga manggagawa.

4. Maaaring  maglagay ng ______________ sa huling bahagi ng manwal kung saan nakalagay ang iba pang impormasyong gustong idagdag na maaaring balikan ng mga gumagamit nito.

5. _______________ ang paggamit ng wika sa mga manwal upang malinaw na maihatid ang mga impormasyong nakasulat dito.

 

 

III. ENUMERASYON. Magbigay ng limang bahagi ng isang liham-pangnegosyo. (2 puntos bawat isa)

1.

2.

3.

4.

5.

 

IV. SANAYSAY. Sagutin ang mga tanong: 

 

Ipaliwanag ang sagot gamit ang mga tinalakay sa buong kabanata. (10 puntos bawat isa)

 

1. Ano ang kahalagahan ng manwal sa isang indibidwal at sa isang kompanya?

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ano ang maitutulong ng  isang wasto at mahusay na pagsusulat ng liham- pangnegosyo?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

 

Gawain 6.

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.(20 puntos bawat bilang)

 

1. Bakit mahalaga ang pagsulat ng  manwal sa iba’t ibang produkto tulad ng mga gadgets at appliances, sa paaralan at trabaho? Ipaliwanag.

 

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Bilang isang estudyante,paano nakatutulong sa’yo ang mga sulating teknikal-bokasyunal tulad ng Manwal at Liham-Pangnegosyo?Patunayan.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

 

 

 .

 

 

 

 

 

 


                  

 

 

 








Kuwarter 1 – Modyul 2 Manwal at Liham-Pangnegosyo

Baitang  :  12                                          Markahan : Una Panahong Igugugol  :  Unang  Alamin       ...