Baitang : 12 Markahan : Una Panahong
Igugugol : Unang
|
Alamin
Pagkatapos
ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Nakapagsasagawa ng panimulang
pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo
ng sulating teknikal-bokasyunal
(CS_FTV11/12EP-Od-f-42)
May
mga batayan sa pagsulat ng mga sulating teknikal-bokasyunal tulad ng Manwal at
Liham-Pangnegosyo.Karaniwang ang nilalaman ng manwal ay komprehensibo dahil
naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang
bagay o paksa. Samantalang ang liham-pangnegosyo ay kalimitang ginagamit sa
korespondinsiya at pakikipagkalakalan.
Balikan
Sa mga nakaraang aralin ay
napag-aralan natin ang kahulugan, katangian, gamit, anyo at ang target na
gagamit sa mga sulating teknikal-bokasyunal. Napabilang dito ang mga layuning,
maunawaan ang kahalagahan ng bawat isa.
.
Tuklasin
Alam
mo ba na may iba’t ibang sulating teknikal-bokasyunal? Sinasabing ang pagsulat
nito ay may layuning magbahagi ng impormasyon at manghikayat ng mambabasa. Ano
kaya ang mga sulating ito? Sagutin ang ilustrasyon sa ibaba.
GAWAIN 1.
PANUTO: Magsaliksik tungkol sa iba’t ibang
sulating teknikal-bokasyonal. Gamitin ang word
network na nasa ibaba. Itala ang mga sanggunian sa pagsasaliksik.
. |
Suriin
PAGSULAT NG MANWAL
Karaniwang naglalaman ang isang
manwal ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang
organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso,
estruktura, at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito.
Komprehensibo ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong magpaliwanag
at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa. Kalimitang
nakaayos nang pabalangkas ang mga nilalaman ng isang manwal na makikita sa
talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika. Maaari din namang magtaglay
ng mga larawan o di kaya’y tsart ang isang manwal upang maging higit na
maliwanag ang paglalahad ng mga impormasyon, gayundin ng mga salitang teknikal
kung hinihingi ng pangangailangan. Dagdag pa rito, maaari ding magtaglay ng
apendise o indeks ang mga manwal.
Samantala, sa gitna ng makabagong
teknolohiya ay hindi naman dapat isantabi ang kaalaman sa pagsulat ng liham.
Isa sa mga uri nito ay ang lihampangnegosyo na kalimitang ginagamit sa
korespondensiya at pakikipagkalakalan. Katulad ng iba pang uri ng liham,
tinataglay rin nito ang mga bahagi gaya ng ulongsulat, petsa, patunguhan,
bating pambungad, katawan ng liham, bating pangwakas, at lagda. Nakatuon ang
liham-pangnegosyo sa mga transaksiyon sa pangangalakal katulad ng pagkambas ng
halaga ng mga produkto o kaya’y liham ng kahilingan at liham pag-uulat. Pormal
ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham. Maaari ding magtaglay ng kalakip
ang mga nasabing halimbawa.
KAHULUGAN…
1. Ang manwal ay isang libro ng impormasyon o mga tuntunin.
2. Sa pagsulat ng manwal, mahalagang panatilihin ang pagiging tiyak sa kung
para kanino ang manwal, kung sino-sino ang mga gagamit nito.
3 Mahalaga ring panatilihin ang pagiging payak, maiksi, at tiyak ng
pagkakabuo ng mga ilalagay sa manwal upang maiwasan ang kalituhan ng mga
mambabasa.
4 Mahalagang bigyang halaga ang nilalaman ng manwal, kung ano ang pangunahing
paksang tinatalakay nito.
5. Kalimitang binubuo ang manwal ng pamagat nito na siyang maglilinaw kung
tungkol saan ang manwal. Mayroon din itong talaan ng nilalaman kung saan
nakalahad ang mga nilalaman ng manwal. Kadalasang nagtataglay rin ito ng
panimula upang maipaliwanag nang maayos ang nilalaman ng manwal. Karaniwan ding
makikita sa huling bahagi ng mga manwal ang apendise na naglalaman ng mga
susing salita o karagdagdang impormasyon tungkol sa nilalaman nito sakaling
nais balikan ng mambabasa.
6. Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng manwal at maaaring kakitaan
ng mga salitang teknikal na kinakailangan sa isang partikular na trabaho.
7 Sinasabing sa pagsulat ng manwal, nakapokus ito sa mambabasa.
Kinakailangang matiyak na madaling nauunawaan ng mga mambabasa ang mga
inilalahad sa isang manwal upang maiwasan ang kalituhan at kamalian sa pagsunod
sa mga nakasaad dito.
URI NG MANWAL:
| User Manual na kilala rin bilang instruction manual, user guide o owner’s manual na
isang manwal sa paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t ibang produktong
binibili o binubuo bago gamitin. Ilang halimbawa ng mga produktong ito ay mga
gamit sa bahay tulad ng mga appliances, kasangkapan, mga gadget at iba pang
elektronikong equipment na nangangailangan ng paggabay para sa mga gagamit ng
mga iyon. Maaaring tingnan ang halimbawa
sa bibliyograpiya ng reader tungkol sa Gabay sa paggamit ng Nokia 2310 para sa
isang halimbawa ng user manual.
| Employees’ Manual o Handbook o ang mga itinakda para sa mga
empleyado ng isang kompanya upang makapaglahad ng mga kalakaran, alituntunin at
iba pang prosesong mahalaga sa kompanya. Nagsisilbi itong gabay sa mga
empleyado nang sa gayon ay magkaroon sila ng mga kaalaman hinggil sa mga dapat
at hindi dapat gawin sa loob ng kompanyang pinapasukan. Ilang halimbawa nito ay
ang mga ipinabasa sa klase gayundin ang katulad ng faculty manual o students’
manual.
MGA BAHAGI NG MANWAL
1. Pamagat-
nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang
nilalaman ng manwal.
2. Talaan
ng nilalaman- nakasaad dito ang pagkakahati-hati
ng mga paksa sa loob ng manwal at ang pahina kung saan ito tinatalakay.
3. Pambungad-
naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal gayundin ng mensahe o
pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman nito mula sa may-akda o sa isang taong may
kaugnayan sa kompanyang nagmamay-ari ng manwal.
4. Nilalaman-
tumatalakay sa katawan ng manwal sa mismong pagpapaliwanang ng mga gabay,
pamamaraan at/o alituntunin .
5. Apendise-
matatagpuan dito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal katulad ng
mga impormasyon sa pagkontak, mga tala atbp.
PAGSULAT NG LIHAM-PANGNEGOSYO
Ang liham pangnegosyo ay isang uri ng liham na pormal, maikli, tiyak at
malinaw na ipinapadala sa isang tanggapan o bahay-kalakal. Isinasad dito ang
paksang panghanapbuhay.(brainly.ph)
Sinasabing
may pormat na sinusunod ang paggawa. May tiyak na mga impormasyong inilalagay
sa bawat bahagi. Nakabatay ang nilalaman sa kung anong uri ng liham ito. Kalimitang sumusulat ng liham
pangnegosyo upang magkaroon ng tiyak at malinaw na korespondensiya sa pagitan
ng nagpadala at tumanggap ng liham.
PAKATANDAAN!
1 Ang liham o sulat ay nagtataglay ng mga impormasyon para sa
patutunguhan. Isinusulat ito ng isang indibidwal na may nais iparating sa
pagpapadalhan ng liham.
2 Nag-iiba-iba ang paraan ng pagkakasulat ng liham batay sa kung ano ang
layunin nito kung kaya’t maraming iba’t ibang uri ng liham. Isa na rito ang
liham pangnegosyo.
3 Sa pagsulat ng lihampangnegosyo, mahalagang tiyakin kung ano ang layunin
ng liham. Maaari itong maging isang liham kahilingan, liham paguulat, liham
pagkambas, subskripsiyon, pagaaplay, pagtatanong, atbp.
4 Mahalagang bigyanghalaga ang nilalaman ng liham-pangnegosyo at ang iba’t
ibang bahagi nito.
5 Kalimitang binubuo ang liham-pangnegosyo ng ulong-sulat na siyang
nagtataglay ng ahensiya o institusyong pagmumulan ng liham; petsa kung kailan isinulat ang liham; patunguhan o kung kanino ipadadala ang
liham; bating pambungad para sa
pagbibigyan ng liham; katawan ng liham na siyang naglalaman ng pinakapunto ng
liham; bating pangwakas para sa padadalhan ng liham; at lagda ng nagsulat ng liham.
6 Pormal ang paggamit ng wika sa
pagsusulat ng liham-pangnegosyo at maaaring kakitaan ng mga salitang teknikal
na kinakailangan sa isang partikular na
trabaho.
BAHAGI NG ISANG LIHAM
PANGNEGOSYO
1 Ulong-sulat- matatagpuan dito ang pangalan,
lokasyon at impormasyon sa pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng liham;
kalimitan itong nagtataglay ng logo ng nasabing kompanya o institusyon.
2 Petsa- nagsasaad kung kailan isinulat ang
liham.
3 Patunguhan- inilalagay rito ang pangalan at
katungkulan ng taong ibig pagbigyan ng liham; kung sino ang pangunahing ibig
patunguhan nito.
4 Bating Pambungad- maiksing pagbati sa patutunguhan ng
liham
5 Katawan ng Liham- nagtataglay ng mismong nilalaman ng
liham
6 Bating Pangwakas- maiksing pagbati bago wakasan ang
liham
7 Lagda- pangalan o mismong lagda ng
nagpadala ng liham
Lagom
MANWAL
Karaniwang naglalaman ang isang manwal ng iba’t ibang impormasyon
hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y
mga detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura, at iba pang mga detalyeng
nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito. Komprehensibo ang nilalaman ng isang
manwal dahil naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon
tungkol sa isang bagay o paksa. Kalimitang nakaayos nang pabalangkas ang mga
nilalaman ng isang manwal na makikita sa talaan ng mga ito at pormal ang
ginagamit na wika. Maaari din namang magtaglay ng mga larawan o di kaya’y tsart
ang isang manwal upang maging higit na maliwanag ang paglalahad ng mga
impormasyon, gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng
pangangailangan.
MGA BAHAGI NG MANWAL
1 Pamagat-
nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang
nilalaman ng manwal.
2 Talaan
ng nilalaman- nakasaad dito ang pagkakahati-hati
ng mga paksa sa loob ng manwal at ang pahina kung saan ito tinatalakay.
3 Pambungad-
naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal gayundin ng mensahe o
pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman nito mula sa may-akda o sa isang taong may
kaugnayan sa kompanyang nagmamay-ari ng manwal.
4 Nilalaman-
tumatalakay sa katawan ng manwal sa mismong pagpapaliwanang ng mga gabay,
pamamaraan at/o alituntunin .
5 Apendise-
matatagpuan dito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal katulad ng
mga impormasyon sa pagkontak, mga tala atbp.
PAGSULAT NG LIHAM-PANGNEGOSYO
Ang liham pangnegosyo ay isang uri ng
liham na pormal, maikli, tiyak at malinaw na ipinapadala sa isang tanggapan o
bahay-kalakal. Isinasad dito ang paksang panghanapbuhay.(brainly.ph)
BAHAGI NG ISANG LIHAM
PANGNEGOSYO
1 Ulong-sulat- matatagpuan dito ang pangalan,
lokasyon at impormasyon sa pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng liham;
kalimitan itong nagtataglay ng logo ng nasabing kompanya o institusyon.
2 Petsa- nagsasaad kung kailan isinulat ang
liham.
3 Patunguhan- inilalagay rito ang pangalan at
katungkulan ng taong ibig pagbigyan ng liham; kung sino ang pangunahing ibig
patunguhan nito.
4 Bating Pambungad- maiksing pagbati sa patutunguhan ng
liham
5 Katawan ng Liham- nagtataglay ng mismong nilalaman ng
liham
6 Bating Pangwakas- maiksing pagbati bago wakasan ang
liham
7 Lagda- pangalan o mismong lagda ng
nagpadala ng liham
Pagyamanin
GAWAIN 2.
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan. (5 puntos bawat bilang)
1. Ano ang karaniwang nilalaman ng
3manwal at liham pangnegosyo?
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Saan kadalasang ginagamit ang
manwal at liham pangnegosyo?
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit
gumagamit ng manwal ang isang indibidwal?
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit
sumusulat ng liham pangnegosyo ang isang indibidwal?
. Isaisip
GAWAIN 3.
PANUTO: Punan
ang patlang sa bawat bilang ng pinakaangkop na salita upang mabuo ang
pangungusap nito.(2 puntos bawat bilang)
1.
Ang _______________ay isang libro ng impormasyon o mga tuntunin.
2.
_________________ang paggamit ng wika sa mga manwal at liham pangnegosyo.
3.
Sa __________________na bahagi ng liham matatagpuan ang pangalan, lokasyon
impormasyon sa pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng liham.
4. Ang___________________ay
nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng manwal.
5.
Ang liham pangnegosyo ay isang
uri ng liham na pormal, maikli, tiyak at__________ na ipinapadala sa isang
tanggapan o bahay-kalakal.
GAWAIN 4.
Panuto: Gamit ang concept map, ibigay ang mga
bahagi ng Manwal at Liham Pangnegosyo. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat
isa.
Pagpapaliwanag:
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
Tayahin
Pangwakas na Pagtataya
I. TAMA
o MALI.
Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag
at MALI kung hindi. (2 puntos bawat isa)
1. Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon
ang isang manwal.
2. Nagsasaad ng panuntunan, kalakaran,
at proseso ang isang manwal.
3. Hindi kailangan ng talaan ng
nilalaman sa isang manwal.
4. Kadalasang pormal ang paggamit ng
wika sa pagsusulat ng manwal.
5. Nagsisilbing gabay sa mga mambabasa
ang isang manwal.
6. Tinatawag na kalatas o sulat ang
liham.
7. Isa sa mga uri ng liham ang
liham-pangnegosyo.
8. Hindi maaaring maglagay ng kalakip kung
susulat ng liham.
9. Iisa lamang ang pormat na ginagamit
sa pagsulat ng liham.
10. Hindi mahalaga ang paglalagay ng
petsa kung susulat ng liham-pangnegosyo.
II. IDENTIPIKASYON. Punan ang patlang upang
maibigay ang hinihingi sa bawat pahayag. (2 puntos bawat isa)
1. Tinatawag na ____________ ang isang
uri ng babasahing naglalahad ng iba’t ibang impormasyon katulad ng mga
alituntunin, paraan ng paggamit, proseso, at iba pang detalye hinggil sa isang
paksa na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa.
2. Sa pamamagitan ng ________________,
nabibigyang-ideya ang mga mambabasa ng inisyal na pagtingin sa kabuuang
nilalaman ng isang manwal.
3. Hindi nalalayo sa isang manwal ang
isang _______________. Isang halimbawa nito ang hinggil sa mga benepisyo ng mga
manggagawa.
4. Maaaring maglagay ng ______________ sa huling bahagi
ng manwal kung saan nakalagay ang iba pang impormasyong gustong idagdag na
maaaring balikan ng mga gumagamit nito.
5. _______________ ang paggamit ng wika
sa mga manwal upang malinaw na maihatid ang mga impormasyong nakasulat dito.
III. ENUMERASYON. Magbigay ng limang bahagi ng isang
liham-pangnegosyo. (2 puntos bawat isa)
1.
2.
3.
4.
5.
IV.
SANAYSAY. Sagutin
ang mga tanong:
Ipaliwanag ang sagot gamit ang mga
tinalakay sa buong kabanata. (10 puntos bawat isa)
1. Ano ang kahalagahan ng manwal sa
isang indibidwal at sa isang kompanya?
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Ano ang maitutulong ng isang wasto at mahusay na pagsusulat ng liham-
pangnegosyo?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Gawain 6.
Panuto: Sagutin
ang mga katanungan sa ibaba.(20 puntos bawat bilang)
1.
Bakit mahalaga ang pagsulat ng manwal sa
iba’t ibang produkto tulad ng mga gadgets at appliances, sa paaralan at
trabaho? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Bilang isang estudyante,paano
nakatutulong sa’yo ang mga sulating teknikal-bokasyunal tulad ng Manwal at
Liham-Pangnegosyo?Patunayan.
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento