Pinagmulan:
Manunulat: Jenelin S. Enero
Ma. Angelie A. Bitoon
Modyul 1 Unang l Linggo
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng
isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang
paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa
ating isipan.
Mga Uri ng Gawaing Pagsulat:
Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat – ang
sulating pormal at ang sulating di-pormal. Ang sulating
pormal ay galing o bunga ng leksyon na pinag-aralan at tinakay sa klase,
forum, seminar. Maaaring magkaroon o magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng
kathang pasalita. Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang mga
mag-aaral ng isang kathang di-pormal. Ang mga pagsasanay sa pagsulat o
paglikha ng kathang di-pormal ay siyang gagawing paghahanda at basehan para sa
pagsulat ng kathang pormal.
Mga Uri ng
Pagsulat:
1. Teknikal na Pagsulat – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng
impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin. Lumilikha ang manunulat ng
dokumentasyon para sa teknolohiya. Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na
tumutugon sa mga kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at
manunulat.Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa
pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin. Saklaw nito ang pagsulat
ng feasibility study at ng mga korespondensyang
pampangangalakal.Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular
na paksa tulad ng science at technology. Nakatuon
sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa.
2. Referensyal na Pagsulat– isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag,
nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri. Layunin nito na maiharap ang impormasyon
batay sa katotohanan. Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil
sa isang paksa. Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang
manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang
parentetikal, footnotes o endnotes. Madalas itong
makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon.
Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards.
3. Jornalistik na Pagsulat– isang uri ng pagsulat ng balita. Pampamamahayag
ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist.
Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang
akdang mababasa sa mga pahayagan at magazin.
4. Malikhaing Pagsusulat – Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng
panitikan o literatura. Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat. Layunin
nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa. Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha,
dula at sanaysay.
5. Akademikong Pagsulat– ito ay may sinusunod na particular na kumbensyon. Ito layunin
nito ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Ito ay
maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento,
konseptong papel, term paper o pamanahong
papel, thesis o disertasyon. Itinuturing din itong isang
intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
Gawain 2
Panuto: Isulat sa
patlang ang iyong sagot.
Sa iyong
sariling pananaw, ano nga ba ang kahalagahan ng pagsusulat at ng pagsulat ng
teknikal-bokasyunal na sulatin?
Suriin
Ang
Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
1 Ito ay komunikasyong pasulat sa larangang may
espesyalisadong bokabularyo tulad ng sa agham, inhenyera, teknolohiya, at agham
pangkalusugan
2 Karamihan sa teknikal na pasulat ay tiyak at tumpak
lalo na sa pagbibigay ng panuto.
3 Ito ay payak dahil hangarin nito ay makalikha ng
teksto na mauunawaan nang malinaw.
4 Ito ay kailangang maging malinaw, maunawaan, at
kumpleto ang binibigay na impormasyon. Kailangan ding walang maling gramatikal,
walang pagkakamali sa bantas at may angkop na pamantayang kayarian.
Layunin ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
1 Upang magbigay alam.
2 Upang mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon
nito.
3 Upang manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon.
Gamit ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
! Upang
maging batayan sa desisyon ng namamahala
! Upang magbigay
ng kailangang impormasyon
! Upang
magbigay ng intruksyon
! Upang
magpaliwanag ng teknik
! Upang
mag-ulat ng natamo (achievement)
! Upang
mag-analisa ng may suliraning bahagi (problem areas)
! Upang
matiyak ang pangangailangan ng disenyo at Sistema
! Upang maging
batayan ng pampublikong ugnayan
! Upang
mag-ulat sa mga stockholders ng kumpanya
! Upang
makabuo ng produkto
! Upang
makapagbigay ng serbisyo
! Upang
makalikha ng proposal
Katangian ng Teknikal-Bokasyunal
na Sulatin
May espesyalisadong bokabularyo
/ Tiyak
/ Tumpak
/ Malinaw
/ Nauunawaan
/ Kumpleto ang impormasyon
/ Walang kamaliang gramatikal
/ Walang kamalian sa bantas
/ Angkop na pamantayang kayarian
/ Obhetibo
Layunin ng Tek-Bok na Sulatin
|
Magbahagi ng impormasyon
|
Manghikayat ng mambabasa
. Pagyamanin…
Gawain 3:
Panuto: Sagutin ang
mga sumusunod na katanungan. (5 puntos bawat bilang)
1. Ano
kahulugan ng teknikal-bokasyunal na pagsulat batay sa iyong binasa?
2. Ano ang
ipinagkaiba ng teknikal-bokasyunal na sulatin sa iba pang uri ng sulatin?
Patunayan ang sagot.
3. Alin sa
mga gamit ng teknikal-bokasyunal na pagsulat ang iyong nagamit na noong ikaw na
nasa Grade 11 pa lamang? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
4. Sa mga
nabanggit na layunin ng pasulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin, alin dito
para sa iyo ang pinakamahalaga? at bakit?
5. Sa mga uri
ng pagsulat, alin sa mga ito ang pinakaangkop gamitin ngayong ikaw ay nasa
Grade 12 na? Patunayan ang sagot.
.Isaisip…
Gawain
4:
Panuto:
Punan ang patlang sa bawat bilang ng pinakaangkop na salita pang mabuo ang
pangungusap nito. (2 puntos bawat bilang)
1. Ang
teknikal-bokasyunal na sulatin ay komunikasyong _______ sa larangang may espesyalisadong
bokabularyo tulad ng sa agham, inhenyera, teknolohiya, at agham pangkalusugan
2. Karamihan
sa teknikal na pasulat ay _____ at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto.
3. Ito ay
payak dahil hangarin nito ay makalikha ng ______ na mauunawaan nang malinaw.
4. Ito ay
kailangang maging malinaw, maunawaan, at kumpleto ang binibigay na impormasyon.
Kailangan ding walang maling __________, walang pagkakamali sa bantas at may
angkop na pamantayang kayarian.
5. Ang mga
layunin ng pagsulat nito ay upang magbigay-alam, _________ ng mga pangyayari at
implikasyon nito, at upang makahikayat at mang-impluwensya ng desisyon.
Gawain 5.
Panuto: Gamit ang concept map,
ibigay ang mga katangian ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat at magtala ng
maikling paliwanag sa bawat katangian.
. |
Pagpapaliwanag:
___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Isagawa
Gawain
6:
Panuto:
Magsaliksik ng isang halimbawang akda ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin at
suriin ito gamit ang balangkas sa ibaba.
Sanggunian:
Tayahin…
Gawain
7.
Panuto:
Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
1. Ayon sa nabanggit na pagpapakahulugan ng
teknikal-bokasyonal, ipaliwanag kung bakit ito’y tinatawag na komunikasyong
pasulat sa larangang agham, inhinyera, teknolohiya at agham pangkalusugan? (40
kabuuang puntos)
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalagang malaman ang kahulugan ng
teknikal-bokasyonal na sulatin?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Karagdagang Gawain…
Gawain
8:
Panuto:
Gumawa ng Blog Account at mag-post ng isang halimbawa ng teknikal-bokasyunal na
sulatin at mag-anyaya ng 5 kaklase para magbigay ng komento sa naging post.
Magiging batayan sa komento ay ang iba’t ibang katangian ng pagsulat ng
Teknikal-Bokasyunal na Sulatin. Ipasa ang link ng Blog Post sa Group Chat ng
klase.
. |
Sanggunian:
Bandril,
L. T. at Villanueva, V. M. (2016). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
(Isport at Teknikal-Bokasyonal. Davao City: Vibal Group, Inc.
Galang, T. T.,
et al. (2009). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Manila, Publishing:
Rex Book Store.
.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento